Tech Ka Muna! » Web

Tech for disaster coordination and management
Raindrops will keep falling on our heads this season of the year, and yet this rainy season’s starter already induced headaches for our new administration with regard to its disaster management tactics. First was the alleged erroneous forecasting by PAGASA, and the most heartbreaking of all is the lack of calamity fund for the rest of the year. Seriously? We only had like one or two series of rains, not even storms, these past few months and the past administration already spent 70 percent of our calamity funds? Talk about disasters!

Read full article at thepoc.net: Tech for disaster coordination and management

Chromium Courgette, Labas na!
Ngayon araw ay inanunsiyo ng Google Open Source Project na Chromium ang bago nilang technology, ang Chromium Courgette. Nilalayon ng Courgette na mas maging maliit ang kinakailangang i-download na data para sa mga updates ng Chrome. Nabanggit sa anunsiyo na kumpara sa bantog na BSDiff (na ngayon ay maituturing na de-facto binary differential tool), mas maliit ang nagagawa nitong pagkukumpara.

Paano ba gumagana ang mga binary differential tools?

Lahat ng mga file natin sa computer ay maikaklasipika sa dalawang punong kategorya: (1) Text; at (2) Binary. Madali lamang baguhin ang sa text dahil anuman ang posisyon na binago, yun din ang ilalahok sa lumang file sa eksaktong posisyon kung saan nangyari ang mga pagbabago. Kung nais nating mabago ang isang file, may mga paraan para hindi na kakailanganin pang ilagay ang buong file sa RAM para lamang maisulat ito sa hard disk. Kung ihahalintulad ito sa paggawa ng fruit salad, kung nais natin na maging mas matamis ito, dadagdagan lang natin ito ng asukal kaysa gumawa ulit ng isang bagong bandehado ng mga prutas at cream, saka lalahukan ng asukal. Kapag masyado itong matamis, kailangan lang itong dagdagan ng cream at makukuha na ang ninanais na pormula, kaysa gumawa ng panibago.

Ang mga delta, o mga pagbabago mula sa isang lumang estado papuntang bago ay ina-apply o ipina-patch sa lumang estado upang magbago ang file papunta sa ninanais na kalagayan. Sa panahon ngayon, ang mga updates ng mga programang ginagamit natin tulad ng Internet Explorer at QuickTime ay gumagamit ng ganitong istilo upang mabilis ang pag-download ng software at ma-update ang mga ito.

Ang BSDiff ay isang popular na paraan para makalikha ng mga delta. Bukas sa lahat ang pamamaraan (o algorithm kung tawagin) at ang source code (o ang sangkap sa paggawa ng software) nito.

Iba ang kaso sa binary.

Paano gumagana ang Courgette

Sa ngayon, ang mga binary differential tools ngayon ay gumagamit ng mathematical redundancies at patterns upang makita ang mga paulit-ulit na pattern ng code sa mga files. Sa paggawa ng isang programa, kahit maliit na mga detalye sa source code ay nagko-contribute ng mas lalong “kaguluhan” sa binary code. Kung isasaalang-alang ang ideya na lahat ng binary data ay maaaring ilatag sa isang lohikal na pamamaraan, maaari nang magkaroon ng delta na alinsunod sa mga prinsipyo ng text-differentiation. Dito umiikot ang konsepto ng Courgette, at sa pamamaraang ito mas madaling mapapaliit ang mga delta na kinakailangan sa mga software updates.

Kahalagahan sa mga Susunod na Proyekto

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsiyo ng Google ang Chrome OS, at hindi maitatangging maaari ring maging pundasyon ng bagong operating system ang Courgette, dahil bukod sa makakatulong ito sa pag-update ng mga software na nakalagay sa Chorme OS, maaari rin nitong matulungan ang problema ng file synchronization o pagsasalin at pagkuha ng mga files sa iyong computer papunta’t pabalik mula sa server. Isa ito sa mga magiging istratehiya ng Google upang matupad ang palagiang-online, at palagiang-reliable na Web Operating System. Kapag mas maliit ang delta, mas magiging mabilis ang tugon ng mga web applications sa isang normal file operation anuman ang bandwidth mayroon ang isang computer user.

Sa ngayon, hindi pa kasama sa anunsiyo kung gagawin itong isang Open Source Project gaya ng Chrome, ngunit dahil ito ay kabilang sa Chromium project ng Google, hindi malayong ibukas sa publiko ang Courgette.

Silverlight 3, Labas Na!
Kahapon ay lumabas na ang bagong version ng itinuturing na “Flash-killer” ng Microsoft, ang Silverlight. Ayon sa ulat na ito, may anim na key features ang ikatlong major version ng nasabing multimedia browser plugin.

Smooth Streaming

Ngayon, magagawa nang mag-play ang mga streaming videos gamit ang Silverlight magbago man ang download rate ng internet connection. Nabanggit sa ulat na kapag erratic o pabago-bago ang iyong internet connection, awtomatikong tinatanong ng Silverlight ang media server kung meron bang available na quality ng video na mas babagay sa kuneksiyon.

Digital Rights Management

Nadagdag din sa bersiyong ito ang pagprotekta sa mga Copyrighted Content, na mas makakatulong pang lalo sa mga website gaya ng Netflix, isang web service na pinapayagang mag-renta ang mga customers nito ng mga pelikula o videos na kanilang nais. Sa paraang ito masisiguro na ang Copyrighted Content ay ligal na makukuha ng user, at hindi makukuha nang basta-basta lang.

Deep Zoom

Para sa mga developers, ang deep zoom ay magbibigay pa lalo ng isang mahusay na experience para mas maengganyo ang mga users na tuklasin ang mga imahe sa isang website. Mas makikilatis ng isang user ang isang, sabihin nating, imahe ng isang aklat, na hindi na kinakailangang maghintay ng matagal upang ma-load ang mga kinakailangang hi-resolution images.

Out-of-the-Browser

Gaya ng flash, maaari na ring makapanood ng streaming media sa Silverlight kahit hindi na kinakailangan ag tulong ng isang web browser. Mabibigyan ng feature na ito ang Silverlight ng isang “Media Player” look-and-feel.

Expression Studio at Express Flow

Nilabas na rin ng Microsoft ang mga development environments na Expression Studio at Express Flow upang mas lalong mapadali ang pag-convert ng mga konsepto papuntang full-fledged multimedia applications.

Enterprise Features

Sinisigurado ng mga bagong enterprise feature ng Silverlight na maaari itong gamitin sa mga mission-critical na mga gawain, gaya ng online contact center portals at online voice and video support.

Marami Pang Announcements: Firefox, Magiging Multi-process
Balita Mula sa Ars Technica

Alinsunod sa mga announcements ng Google Chrome OS, at ang bulung-bulungan tungkol sa Gazelle, sumunod naman ang “Web Browsing’s Surprise Second” na Firefox sa pag-announce na magkakaroon ng similar na architecture o paraan ng pagkakagawa ang Chrome at Firefox, sa tulong ng multi-process browsing.

Ano ang ibig sabihin nito?

Isipin niyo na lang, sa isang Firefox window, marami kayong tabs, at bawat tabs ay normal na ginagawa ang browsing (pag-render ng mga imahe, mga articles, pati na rin Flash videos). Sa isang tingin, parang isang programa lang ang tumatakbo, ngunit sa loob nito’y may kanya-kanyang programa o processes na tumatakbo sa bawat isang tab. Parang kung sampung tabs meron ka sa Firefox, sampung programa din ang tumatakbo sa iyong computer.

<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/N4Oj6maKgNU&hl=en&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/N4Oj6maKgNU&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>
Isang demo ng bagong Firefox

Sa video sa itaas makikita kung paano gumagana ang independent-process browsing, kung saan kahit na mag-crash ang tab dahil sa pag-render ng, sabihin natin, YouTube video, hindi pa rin magka-crash ang mga kapitbahay nitong tabs dahil sinisiguro ng bagong architecture ang malinis na pag-crash ng iisang tab, na hindi dinadamay ang buong “browsing experience”.

Kung tatanungin niyo ang inyong lingkod kung ano ang pinagkaiba nito sa maraming “instance” ng Internet Explorer dati, o maraming window, eto ang sagot ko: Dati, ang IE at Firefox ay tumatakbo lamang isa isang programa, kahit ilang tabs o windows meron sa iyong screen. Mahusay na architecture ito dati dahil ang mga imahe, ang mga contents ng isang webpage, kapag kailangan ng isa pang window o tab, napagsasaluhan nila ang mga ito. Sa ganitong scenario, makakatipid ng memory at processing. At dahil napagsasaluhan nga ang mga impormasyon, mapagsasaluhan din ng mga window at tabs ang pag-crash ng isa.

“Eh, baka naman gumamit ang bagong architecture ng sobrang hardware” ‘ka ‘nyo? Hindi naman. Ngunit hindi rin madali na palitan ang architecture ng Firefox ngayon, at i-maintain ang dati nitong behavior, gayong walang masyadong paraan para pagsaluhan ng dalawang tab ang mga common contents. Ngunit sa demo na naipakita sa video sa taas, masasabing hindi magtatagal ay maisasakatuparan rin ang mga pagbabagong ito.

Mga Announcements ng Microsoft sa Darating na Lunes
May mga bulung-bulungan sa internet na ang dahilan kung bakit inanunsiyo ng Google ang game-changing na Chrome OS ay dahil meron ding mga announcements na ibibigay ang Microsoft, partikular sa status ng inaabangang Windows 7, ang update sa ngayong Windows Vista, at isang bagong alternatibong browser na may alyas na “Gazelle”. Bukod dito ay magkakaroon ng panibagong update ang mga naantalang Office Live, na siyang pantapat ng Microsoft sa popular na Google Apps Service.

Kung ako ang tatanungin niyo, hindi ako masyadong interesado sa Windows 7, dahil kung tutuusin, parang ibinalik lang nila ang “kaayusang” makukuha sa Windows XP, at binihisan lamang ito ng maayos na “dating” o “look and feel”. Mas interesado ako sa Gazelle, dahil magmula nang maglaban ang Netscape Navigator (naaalala niyo pa ba ang browser na ito?) at Internet Explorer, Internet Explorer na ang flagship browser ng Windows. Ayon sa mga balita, rebolusyunaryo ang konsepto sa likod ng Gazelle dahil inayon ito sa ideyang ang Browser ay higit sa isang sekretaryang tagadala at tagahatid ng impormasyon na basta lang dadalhin sa iyo ito at iyong aaprubahan lagi. Mas naiisip nila ito bilang isang “traffic enforcer” kung saan ang mga malalaking trak at maliliit na tricycle ay inaalalay nang maayos ang bawat isa upang tuloy-tuloy ang trapiko sa “information highway”. Nagkaroon din ng konsepto ng “browser kernel” kung saan ito ang magdedesisyon kung anong mga resources (memory, takbo ng processor) ang ilalaan sa mga impormasyong ito, na hindi sinisira ang mismong operating system. Kung ganito ang magiging susunod na disenyo, hindi malayong maging cross-platform ang browser na ito. Ibig lang sabihin nito ay maaari niyo nang magamit ang isang Microsoft browser sa Macbook, o sa Linux systems para sa mga geeks.

Kung Paano Gumagana ang “Gazelle”

Nakakapanabik ang ganitong scenario dahil mukhang iniiwas na ng Microsoft ang ideya na ang browser ay dapat bahagi ng kaluob-luoban ng Operating System. Isa pa ay hindi na magiging sagabal ang “browser-compatibility” o kaayusan ng functionality isang website anuman ang operating system na pinagtatakbuhan nito. Ang tanging tanong lang ng inyong lingkod ay “Bakit ngayon lang?” gayong nasimulan na ito noon pa sa kapanahunan pa ng unang graphical browser, ang Mosaic. At ayon din sa ilang mga ulat, kasalukuyang ginagamit ng Gazelle ang engine na nagpapagana sa Internet Explorer upang ma-visualize ang mga website. May bulung-bulungan din na mas mabagal pa ito sa Internet Explorer 8, ang kasalukuyang pinakamabagal na modernong browser, kaya hindi rin maaalis sa isipan na hindi pa talaga ito handa para sa “primetime”.

Ano sa tingin niyo?

Update: Sa pagkakabasa ko pa, at ilang mga diskusyon kasama si Marte Soliza, mukhang ang “behavior” ng Gazelle ay tulad ng sa mga laganap na Virtual Machine Applications, na ang ibig sabihin ay may sariling “operating system” ang browser na ito, na ginawa upang ma-optimize o mas maging efficient ang paggamit ng hardware sa ilang mga “browser applications” gaya ng Flash, Javascript, at iba pa. Mukhang isang hakbang nga ito pa-abante mula sa “pinakamodernong” browser na Chrome, kung saan ang bawat webpage ay maaaring ikunsidera bilang isang “process” o isang program. Ang unang pangalan niya ay MashupOS.

Kung May Facebook ang Katipunan Noon…
Isang mahusay na nakita ko sa aking Facebook account. Courtesy of my FB friend Milbert SosmeÃ±a and iLoveManila FB fanpage.

Isipin niyo na lang nung panahon na yun, konyo na mga Katipunero… wasak na ang utak ko ngayon kaka-imagine kung ano na kaya ang lenggwahe natin ngayon, e.g. “Charge mga siblings!”, o kaya “Let’s tear up the sedula na!”, o kaya “The Bagets are our Kinabukasan, gosh.” Baliw lang.

Heto na: Chrome OS!
Kahapon ay in-announce ng web giant na Google, Inc. ang sinasabing game-changer sa laro ng operating systems: Ang Chrome OS. Ayon sa anunsiyo:

Speed, simplicity and security are the key aspects of Google Chrome OS. We’re designing the OS to be fast and lightweight, to start up and get you onto the web in a few seconds. The user interface is minimal to stay out of your way, and most of the user experience takes place on the web. And as we did for the Google Chrome browser, we are going back to the basics and completely redesigning the underlying security architecture of the OS so that users don’t have to deal with viruses, malware and security updates. It should just work.

Ayon sa ilang mga detalye, ang Google Chrome OS ay may pundasyon na hango sa Linux kernel, at bubuuin ang mga Applications o Programs na magagamit dito base sa kalalabas pa lamang na browser ng Google, ang Chrome. Nabanggit din na ang Google Chrome OS ay hango sa tradisyon ng pagde-develop ng Google Chrome, kung saan unang isinaalang-alang ang mga importanteng functionality kaysa sa dami ng magagawa nito. Dapat ay magkaroon ito ng mabilis na bootup time, o ang panahon magmula pagbukas ng computer hanggang sa panahong maaari na itong gamitin para sa pang-araw-araw na computing.

Bagama’t inaasahan pa itong matapos o mai-launch sa second-half ng susunod na taon, maraming haka-haka na ang naglalabasan kung bakit kailangan ng isang web company giant na gaya ng Google ang isang panlaban sa mga katulad ng prominenteng Windows platform, at sa Open Source champion na Linux Operating System.

May ilang nagsasabi na ito ay paraan ng Google upang masigurado na ang mga users nila ay naka-hookup sa mga teknolohiyang gawa ng Google gaya ng Maps, Docs, at GMail. Masasabing mahusay ang istratehiyang ito dahil sa paggamit at pagkuha ng OS sa libreng halaga, malaki ang posibilidad na maging mas visible ang mga advertisements na siyang primary source ng revenue para sa kumpanya.

Sa isang banda, may mga nag-iispekula na ito ay hakbang upang dahan-dahang mag-domina sa computing industry, bagay na kinatatakutan marahil ng Microsoft at Apple. Ayon sa artikulong ito, mas matindi ang epekto ng domination na ito sa Apple dahil katapat ng Google pagdating sa mga desisyong pang-usability at features ang kumpanyang Apple, na gumawa ng mga design hall-of-famers na iPod, Macbook, at ang rebolusyunaryong iPhone.

Sa opinyon ng inyong lingkod, wala pang dapat ikabahala ang kumbensiyunal na computing industry. Kahit na maliit na panahon lamang ang hihintayin bago dumating ang bagong OS, mahihirapan ang Google na mahatak ang mga normal users sa paggamit nito dahil sa mga sumusunod na punto:

Ang pangunahing target nito ay ang bilis at tatag ng sistema sa mga netbooks. Maaalalang ang Microsoft at Linux ang mga pawang dominanteng puwersa sa pagiging matagumpay ng platapormang netbook. Bagama’t matagumpay nga ito at napatunayang may sustainable na merkado, hindi kaila sa lahat na ang industriyang netbook ay hindi maaaring ibilang sa mga malalaking merkado gaya ng Desktop Publishing (kung saan dominante ang Apple at Microsoft), Server (kung saan dominante ang Linux), at pati na rin sa Enterprise. Maaari ngang makahabol ang Google Chrome OS sa mga mas malalaki at mabibilis na mga plataporma, ngunit ang mga nasabing merkado ay hindi pa handa para sa isang platform na hindi pa alam kung ano ang mga suportadong aplikasyon at workflow…

… na magiging pangalawang dahilan. Gaya ng Linux dati, hindi lahat ng file formats at mga programs na makikita sa Windows ay maaaring patakbuhin o paganahin sa Linux platform. Sa ngayon, ang puntirya ng Google Chrome OS ay limitahin ang mga nagagawa nito sa pagba-browse ng web, gamit ang Chrome Browser nito. Inaasahan din na magiging malaki ang role ng mga web apps ng Google gaya ng Docs at GMail sa kabuuan ng Chrome OS. Sa pananaw ng inyong lingkod, magiging problema sa mga users ang pag-adopt ng web applications lalo na ngayon na ang laban talaga ang sa mga native applications. Ginawa noon ng Apple na gawing web-based ang mga applications, ngunit nabigo itong maghatak ng mas maraming developers para suportahan ang drive na ito.

Nariyan pa ang Linux. Huwag dapat nating isipin na ang kayang gawin ng Chrome OS ay hindi kayang gawin ng Linux, sa pangkalahatan. Ang Open Source Community ay malayang gamitin ang source code ng Chrome OS upang iayon ito sa mga gusto ng kumunidad. Kung paano isasaalang-alang ng Google ang scenario na ito (kung lilimitahin ba nito ang pag-distribute ng at pag-contribute sa Google Chrome OS, ala-BSD) ay hindi pa natin alam.

Ngunit hindi natin maikakaila na maraming implikasyon din ang tagumpay nito. Una, ang performance ng computing ay hindi na maipapasa sa hardware, kundi sa connection resilience o bagal at katatagan ng koneksiyon sa internet, at ang lakas ng mga server machines na magsisilbing processor ng mga lightweight o thin clients gaya ng netbooks. Hindi rin maikakaila ang posibilidad na lahat ng data o impormasyon ng isang tao ay maaari na’ng ma-access kahit saan, kahit kailan, na hindi na iniisip ang pagkasira ng hardware gaya ng hard drive o mismong computer. Kung hindi na maisasama ang hardware sa performance, magkakaroon din ng posibilidad na kahit anong computing devices ay magkakaroon ng parehong experience sa iba’t ibang klaseng mga computing devices gaya ng cellphone, o kung maaari, ang iyong refrigerator o toaster.

Kung ano ang mangyayari sa Chrome o sa kinabukasan ng computing ay masasabi na lamang natin sa mga darating na panahon.