Silverlight 3, Labas Na!

Kahapon ay lumabas na ang bagong version ng itinuturing na “Flash-killer” ng Microsoft, ang Silverlight. Ayon sa ulat na ito, may anim na key features ang ikatlong major version ng nasabing multimedia browser plugin.

Smooth Streaming

Ngayon, magagawa nang mag-play ang mga streaming videos gamit ang Silverlight magbago man ang download rate ng internet connection. Nabanggit sa ulat na kapag erratic o pabago-bago ang iyong internet connection, awtomatikong tinatanong ng Silverlight ang media server kung meron bang available na quality ng video na mas babagay sa kuneksiyon.

Digital Rights Management

Nadagdag din sa bersiyong ito ang pagprotekta sa mga Copyrighted Content, na mas makakatulong pang lalo sa mga website gaya ng Netflix, isang web service na pinapayagang mag-renta ang mga customers nito ng mga pelikula o videos na kanilang nais. Sa paraang ito masisiguro na ang Copyrighted Content ay ligal na makukuha ng user, at hindi makukuha nang basta-basta lang.

Deep Zoom

Para sa mga developers, ang deep zoom ay magbibigay pa lalo ng isang mahusay na experience para mas maengganyo ang mga users na tuklasin ang mga imahe sa isang website. Mas makikilatis ng isang user ang isang, sabihin nating, imahe ng isang aklat, na hindi na kinakailangang maghintay ng matagal upang ma-load ang mga kinakailangang hi-resolution images.

Out-of-the-Browser

Gaya ng flash, maaari na ring makapanood ng streaming media sa Silverlight kahit hindi na kinakailangan ag tulong ng isang web browser. Mabibigyan ng feature na ito ang Silverlight ng isang “Media Player” look-and-feel.

Expression Studio at Express Flow

Nilabas na rin ng Microsoft ang mga development environments na Expression Studio at Express Flow upang mas lalong mapadali ang pag-convert ng mga konsepto papuntang full-fledged multimedia applications.

Enterprise Features

Sinisigurado ng mga bagong enterprise feature ng Silverlight na maaari itong gamitin sa mga mission-critical na mga gawain, gaya ng online contact center portals at online voice and video support.

Leave a Reply