Marami Pang Announcements: Firefox, Magiging Multi-process

Balita Mula sa Ars Technica

Alinsunod sa mga announcements ng Google Chrome OS, at ang bulung-bulungan tungkol sa Gazelle, sumunod naman ang “Web Browsing’s Surprise Second” na Firefox sa pag-announce na magkakaroon ng similar na architecture o paraan ng pagkakagawa ang Chrome at Firefox, sa tulong ng multi-process browsing.

Ano ang ibig sabihin nito?

Isipin niyo na lang, sa isang Firefox window, marami kayong tabs, at bawat tabs ay normal na ginagawa ang browsing (pag-render ng mga imahe, mga articles, pati na rin Flash videos). Sa isang tingin, parang isang programa lang ang tumatakbo, ngunit sa loob nito’y may kanya-kanyang programa o processes na tumatakbo sa bawat isang tab. Parang kung sampung tabs meron ka sa Firefox, sampung programa din ang tumatakbo sa iyong computer.


Isang demo ng bagong Firefox

Sa video sa itaas makikita kung paano gumagana ang independent-process browsing, kung saan kahit na mag-crash ang tab dahil sa pag-render ng, sabihin natin, YouTube video, hindi pa rin magka-crash ang mga kapitbahay nitong tabs dahil sinisiguro ng bagong architecture ang malinis na pag-crash ng iisang tab, na hindi dinadamay ang buong “browsing experience”.

Kung tatanungin niyo ang inyong lingkod kung ano ang pinagkaiba nito sa maraming “instance” ng Internet Explorer dati, o maraming window, eto ang sagot ko: Dati, ang IE at Firefox ay tumatakbo lamang isa isang programa, kahit ilang tabs o windows meron sa iyong screen. Mahusay na architecture ito dati dahil ang mga imahe, ang mga contents ng isang webpage, kapag kailangan ng isa pang window o tab, napagsasaluhan nila ang mga ito. Sa ganitong scenario, makakatipid ng memory at processing. At dahil napagsasaluhan nga ang mga impormasyon, mapagsasaluhan din ng mga window at tabs ang pag-crash ng isa.

“Eh, baka naman gumamit ang bagong architecture ng sobrang hardware” ‘ka ‘nyo? Hindi naman. Ngunit hindi rin madali na palitan ang architecture ng Firefox ngayon, at i-maintain ang dati nitong behavior, gayong walang masyadong paraan para pagsaluhan ng dalawang tab ang mga common contents. Ngunit sa demo na naipakita sa video sa taas, masasabing hindi magtatagal ay maisasakatuparan rin ang mga pagbabagong ito.

Leave a Reply