Bibihira sa ating bansa (kung naiintindihan niyo ‘to, ibig sabihin alam niyo ang bansa na sinasabi ko) na magkaroon ng isang Filipino-language na blog tungkol sa teknolohiya, na may katuturan o relevance sa pang-araw-araw na Pinoy. Binuo ang konespto ng TechKaMuna upang matugunan ang pangangailangn ng isang Filipino-based na techblog na upbeat at masayang basahin.
Sa araw-araw na masamang balitang lagi nating nasasagap tungkol sa pulitika at ekonomiya, hindi naman siguro masama na magbasa-basa muna tayo nang kaunti tungkol sa teknolohiya na isinasa-alang-alang ang kapasidad ng mga mambabasa kung ano ba talaga ang umiikot sa mga teknolohiyang ito. Ang bawat artikulo dito ay (sana) hindi kasing-uptight gaya ng unang post na ito.
Layunin din ng TechKaMuna na manguna sa mga nakakaaliw at nakakabaliw na mga kuwentong teknolohiya, hawig sa pagsasalaysay ng mge techblogs gaya ng Engadget at Stuff.tv. Maasahan ninyo na magiging malawak ang coverage ng TechKaMuna dahil sa mga contributors nito na may masasabi naman sa iba’t ibang larangan ng teknolohiya.
Hinihikayat po namin kayo na mag-email din sa amin sa cont...@techkamuna.com para mapakinggan din namin ang inyong mga kuwento, links, at komento tungkol sa aming mga tampok na paksa.
Maraming Salamat.